Tiwala ang Department of Education (DepEd) na makakakuha rin ng trabaho ang mga graduates ng Senior High School.
Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, sa isang job fair lamang sa Cebu ay isandaang (100) graduates ng senior high school ang agad na nakakuha ng trabaho.
Isinantabi ni Mateo ang pahayag ng Philippine Chamber of Commerce na mas gugustuhin pa rin ng mga kumpanya na kumuha ng empleyadong college graduates dahil naka-depende pa rin aniya ito sa klase ng trabaho na papasukin ng tao.
Sa ngayon aniya, lumabas sa kanilang pag-aaral na halos animnapung (60) porsyento ng mga graduates ngayon ng K-12 ay gustong tumuntong sa kolehiyo at wala pang planong magtrabaho.
—-