Umaasa ang Department of Education (DEPED) na mairekunsidera ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa gitna ng pandemya kung bakunado na ang mga guro at estudyante sa Agosto.
Matatandaang tinutulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng in-person classes dahil karamihan sa populasyon ay hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19.
Ngunit sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na susubukan ng pamahalaan na mabakunahan ang mga bata pati na rin ang mga guro.
Gayunman, nilinaw ni Briones na ang pangulo pa rin ang magdedesisyon sa pagpapatupad ng face-to-face classes. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico