Itinuturing ng Department of Education (DepEd) na mas matiwasay at mas maayos ang naging pagbubukas ng klase ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na panahon.
Ayon kay DepEd Assistant Secertary Jesus Mateo, ito ay dahil sa mas kokonti lamang ang kanilang natanggap na reklamo sa DepEd Information and Action Center.
Ngunit inamin ni Mateo na problema pa rin mga pampublikong paaralan ang pagdagsa ng mga late enrollees sa kabila ng kampanya para sa mas maagang pagpapatala lalo na sa mga istudyante sa Kinder at Grade 1.
Aniya, hindi naman maaring hindi tanggapin ang naturang mga late enrollees na nagdudulot naman ng overcrowding sa ilang paaralan.
By Rianne Briones