Nagpaliwanag ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa dahilan kung bakit hindi nito mapagbigyan ang kahilingan ng dagdagan ang pondong nakalaan para sa reimbursement ng communication expenses ng kanilang mga kawani.
Sa inilabas ng pahayag ng DepEd, sinabi nito na batid ng ahensya na kulang talaga ang P300 budget kada buwan para mabayaran ang kanilang mga communication expenses, sang-ayon na rin sa implementasyon ng online learning.
Paliwanag ng DepEd, sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na tugon mula sa ibinigay nilang request sa pamunuan ng Budget Department hinggil sa pagbibigay ng communication allowance.
Mababatid kasi na sa ilalim ng DepEd order no. 38, maaaring mag-claim ng reimbursement ang isang kawani ng DepEd para sa kanilang communication expenses mula Marso hanggang Disyembre noong taon.