Walang inilaang pondo sa 2023 national expenditure program ang Department of Education (DepEd), para sa pag-aaral ng mga special children.
Natuklasan ito sa gitna ng deliberasyon ng 2022 budget kahapon nang tanungin ni Albay Rep. Edcel Lagman ang kagawaran kaugnay ng pag-aaral ng mga special children o learners with disabilities (LWDS).
Pag-amin ni Education Undersecretary Ernesto Gaviola, pinagkakasya lang nila ang nakakalap nilang pondo kaya hindi napagtutuunan ang ibang bagay.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na tinututukan pa rin nila na makapagturo nang maayos sa mga LWDS at mahikayat ang mga itong mag-aral.