Walang naitalang COVID cases ang Department of Education (DepEd) sa halos 300 paaralang na kalahok sa pilot implementation ng face-to-face classes sa nakalipas na tatlong linggo.
Ito’y ayon kay DepEd Director Roger Masapol , ang kanilang attendance rate para sa unang linggo ay nasa 82% habang sa ikalawang linggo naitala ang 83%, kung saan ilang estudyante ang lumiban dahil sa ubo, sipon, at lagnat.
Sa ngayon, isang paaralan sa Zambales ang nagpatupad ng lockdown kung saan nagpositibo sa COVID-19 ang ilan sa mga guro nito sa panahon ng antigen test bago magsimula ang in person classes nuong Nobyembre a-15.
Samantala, sinabi ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma na kailangan munang ipagpaliban ng ilang paaralan ang kanilang partisipasyon sa pilot face-to-face classes, kabilang na ang mga paaralan sa CALABARZON, Western Visayas, Zamboanga, at Davao Region. —sa panulat ni Kim Gomez