Muling nagpahayag ng pangamba si Senadora Risa Hontiveros sa security risk na dulot ng DITO Telecommunity Corp. kasunod ng commercial rollout nito sa susunod na buwan.
Ayon kay Hontiveros, walang pangdepensa ang National Security Council (NSC) sa cyber security threats at tiyak na maiisahan ang Pilipinas ng China para makakuha ng mahahalagang impormasyon
Ito’y lalo pa nang payagan ng Defense Department ang pinasok na kasunduan ng DITO TelCo at Armed Forces of the Philippines na makapagtayo ng Cell towers sa mga kampo Militar
Umaasa naman si Hontiveros na pagtutuunan ito ng pansin ng Senado at babantayan ang iba pang mga bantang maaaring idulot ng pagpasok ng third telco.
Nauna na ring nagpahayag ng pangamba si Sen. Grace Poe sa pagpasok ng DITO dahil sa kabiguan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) gayundin ng NSC na tiyakin ang kakayahan ng Pilipinas na labanan ang umiinit na cybersecurity warfare.