Mas mapapalakas ang depensa ng bansa kontra sa kalamidad kung maisasabatas ang paglikha sa Department of Disaster Management.
Ayon kay UP Resilience Institute at Noah Center Executive Director Mahar Lagmay, mas maagang mapagpaplanuhan ang pagtugon sa kalamidad kung mayroong iisang ahensya na nakatutok dito.
Bagamat mayroon na aniyang National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, hindi naman tuloy-tuloy ang koordinasyon dito ng mga ahensya na tumutugon rin sa kalamidad.
Sinabi ni Lagmay na mas magpaghahandaan at malilimitahan ang disgrasya sa gitna ng kalamidad kung mayroong iisang chain of command o iisang kumpas sa lahat ng aksyon.
—-