Inamin ni national basketball coach Tab Baldwin na marami pang kailangan plantsahin sa Gilas team bago sumabak ang kanilang koponan sa Olympic Qualifier sa June 5.
Ito ang obserbasyon ni Baldwin matapos ang dibdibang training camp at tune up matches ng Gilas abroad.
Ayon sa Gilas coach, kailangan nilang palakasin ang chemistry at disiplina ng koponan.
Dahil sa pagkakaroon aniya ng disiplina ay doon naman nila mapapalakas ang kaniklang depensa na kailangang kailangan upang di basta-basta nakakapuntos ang kalaban.
Para naman sa problema ukol sa mga mas matataas na kalaban ng Gilas, kinakailangan lamang aniyang maging matalino ang mga Pinoy at maglaro na parang kasinlaki ng kanilang mga kalaban.
Sa Hulyo 1 ay nakatakda pang makipag-tune up ang Gilas sa koponan ng Turkey bago lumaban sa Olympic Qualifier sa susunod na linggo.
By Ralph Obina