Lalong naging matatag ang relasyon sa depensa sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Ito’y matapos lagdaan ng mga opisyal ng dalawang bansa ang Memorandum of Understanding (MOU) na may kinalaman sa defense cooperation.
Nagpahayag naman ng kasiyahan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa ‘matibay na pangako’ na ipinakita ng dalawang bansa sa pagpapalalim ng kanilang ugnayan sa depensa.
Samantala, ipinaabot naman ni Canadian Ambassador to the Philippines David Bruce Hartman ang intensyon ng kanilang bansa na paunlarin pa ang ugnayan sa Pilipinas at sa rehiyon, sang-ayon na rin sa Indo-Pacific Strategy.