Naniniwala ang AFP na hindi na kayang patagalin pa ng Maute Group ang pag depensa sa mga hawak na lugar sa Marawi City.
Ito ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla ay dahil lumalabas sa huling pagsusuri nila a humigit kumulang 80 na lamang ang puwersa ng Maute sa lungsod.
Mayruon aniyang mga lugar sa Marawi na hindi na sumasagot ng putok ang mga terorista at mayruon ding matindi pa ang paglaban ng teroristang grupo.
Sinabi ni Padilla na nangangahulugan itong posibleng naruon ang bulto ng mga armas ng Maute Group na dahilan din nang pagtutok dito ng militar para tuluyang mapahina ang kalaban.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Depensa umano ng Maute sa Marawi di na kayang patagalin pa – AFP was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882