Palalakasin ng Pilipinas ang depensang militar nito sa West Philippine Sea at sa iba pang pinag-aagawang teritoryo.
Batay ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, magde-deploy ng karagdagang tropa at gamit militar sa mga isla para lalo pang mapaigting ang kanilang pagbabantay.
Maliban dito, sinabi ni Lorenzana na tatayuan din ng istruktura ang Benham Rise habang kongkretong runway naman ang itatayo sa Pag-asa Island na magsisilbing daungan ng mga barko ng Pilipinas.
Una rito, mismong ang Pangulo ang nag-utos na laanan ng pondo hakbang na ito para sa agarang pagpapatupad ng naturang programa.
By Ralph Obina