‘Wait and see attitude’ ang pinaiiral ng gobyerno kaugnay sa sitwasyon sa Hong Kong.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, mahigpit ang monitoring ng labor attaché office ng bansa sa Hong Kong at regular ang pakikipag-ugnayan nila sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa sitwasyon doon sa gitna na rin nang tumitinding protesta rito.
Otomatiko na aniyang ikakasa ang deployment ban sa Hong Kong kapag nagdeklara na ng alert level 3 ang Philippine authorities doon.
Tuloy-tuloy ang consultation namin sa DFA kasi sila naman ang may kakayahan na mag-assess ng situation. Pagka nagdeklara sila ng alert level 3, e, ‘yon, magmi-meeting na ang government board ng POEA at magdedeklara ng deployment ban, pero sa ngayon wala pa namang ganon at hindi naman lumalala ang sitwasyon. Gano’n pa rin, protesta ng protesta, gano’n pa rin, pero normal yata sa kanila ‘yan, e. Basta naka-standby po kami, mino-monitor naming ‘yan, an gaming labor attaché do’n is under instruction to give us an hourly report on the situation in Hong Kong,” ani Bello.
Ratsada Balita Interview