Posibleng palawigin pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa iba pang mga bansang may kaso ng pang-aabuso sa mga Filipinong manggagawa.
Ito ang inihayag ng Pangulo matapos igiit na magpapatuloy pa rin ang deployment ban sa Kuwait.
Sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino-Chinese businessmen, iginiit ni Pangulong Duterte na wala siyang planong magpadala ng mga Filipinong manggagawa kung bababuyin lamang ang ito.
Kasabay nito muling umapela si Pangulong Duterte sa mga taga-Kuwait at iba pang mga bansa sa Middle East na respetuhin ang mga Filipinong mangaggawa.
Pinayuhan din ng Pangulo ang mga Filipino na ikunsidera ang paghahanap ng trabaho sa China kung saan marami aniya ang nangangailangan ng mga English teachers.
—-