Pinag – aaralan ng Department of Labor and Employment ang pagpapalawig ng deployment ban mula Kuwait hanggang Saudi Arabia.
Kasunod ito ng mga ulat na tila kinakalakal na parang mga alipin ang mga Filipino Household Workers sa naturang bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third , talamak sa Saudi ang tinatawag na “Kafala System” kung saan nagpapalitan ang mga employers ng kanilang mga manggagawa.
Nagpadala na aniya sila ng grupo sa Middle East sa pamumuno ni Labor Undersecretary Ciriaco Lagunzad para tignan ang kondisyon ng mga OFW duon.
At ang magiging resulta ng monitoring ng kanilang labor team ang pagbabasehan kung kailangan amyendahan ang kasalukuyang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Arabong bansa.