Tama lamang ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng deployment ban sa Kuwait.
Ayon ito kay ACTS-OFW Party-list Representative John Bertiz dahil matagal na nila aniyang isinusulong na ipagbawal na ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa Kuwait.
Sinabi sa DWIZ ni Bertiz na nakakaalarma na ang patuloy na pagtaas ng mga nasasawing OFW sa Kuwait at sa lahat aniya ng mga kasong ito ay walang napapanagot.
“As early as 2016 pa ay nag-file na tayo ng House resolution for the moratorium and ban of domestic workers, pagpapadala ng mga domestic worker sa Kuwait kasi nga po napakatagal nang panahon na tumataas ang bilang ng mga biktima ng karahasan, ng pagkamatay, just imagine last 2016 may naitalang 82 deaths, itong 2017 nag-increase yan to 120 deaths and karamihan diyan is maltreatment, suicide.” Ani Bertiz
Binigyang diin pa ni Bertiz na walang labor agreement ang Pilipinas at Kuwait bukod pa sa sariling batas nito para maprotektahan ang mga household workers.
“Ultimo yung mga kapwa nila Arabo ay isinusuka ang ugali ng mga Kuwaiti, just imagine na nag-impose na tayo ng ban two weeks ago at nagalit na ang Presidente pero halos araw-araw may mga reported maltreatment cases, kakulangan talaga ng ating mga personnel sa Philippine Overseas Labor Offices (Polo) tsaka sa embahada na to better protect our workers kasi nga wala tayong pinirmahang bilateral agreement or they don’t even have their own law protecting those kinds of labor category. “ Pahayag ni Bertiz
(Balitang Todong Lakas Interview)