Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbabawal sa deployment ng Pinoy domestic helpers sa Kuwait dahil sa maraming kaso nang pang-aabuso ng employers.
Sinabi ng DOLE na tumataas ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso laban sa mga foreign household workers kayat kinukunsidera nilang huwag munang magpadala ng Pinoy domestic workers sa Kuwait.
Nangako naman ang DOLE sa mga pababaliking Pinoy workers na bibigyan ng hanapbuhay habang hinimok naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ito na mag negosyo.
Nilinaw naman NG dole na tuluy-tuloy ang deployment sa Kuwait ng skilled workers tulad ng electricians, welders at construction workers.
By Judith Larino