Posibleng muling magpatupad ng deployment ban ang gobyerno sa Kuwait kasunod ng panibagong pagkasawi ng isang OFW.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi malabong ipatupad ang ban sa ngayon maliban lamang kung mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.
Lumalabas na minaltrato at pinatay mismo ng kanyang employer si Villavende na ngayon ay hawak na ng mga otoridad.
Una nang nagpatupad ng deployment ban ang Pilipinas noong 2018 kasunod ng pagkamatay ni Joanna Demafelis na natagpuan ang bangkay sa loob ng isang freezer.