Tinanggal na ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA, ang deployment ban na ipinatupad sa Liberia, matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na ebola-free na ang bansa, noong Mayo 9, 2015.
Dahil dito, maari nang i-proseso ang mga dokumento ng mga Pilipino na nais magtrabaho sa Liberia.
Subalit nananatili pa rin ang alert level 1 ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa naturang bansa.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes