Muling nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isang grupo ng mga nurses na alisin na ang deployment ban sa mga umaalis na health workers.
Ayon kay Leah Primitiva Samaco-Paquiz, founding president ng ANG NARS Inc., nakakaranas umano ng “systemic oppression” ang mga manggagawa sa kanilang hanay kaya’t mas gusto nilang magtrabaho sa ibang bansa.
Naniniwala rin si Samaco-Paquiz na mas napoprotektahan ang mga Filipino health workers sa ibayong dagat kaysa sa Pilipinas sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Dagdag pa ng grupo, dapat bigyan ng mataas na sahod at benepisyo ang mga duktor at nurse upang hindi mapilitang umalis ng bansa ang mga ito.