Sinuspinde na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa Ukraine sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa pagitan ng host country at Russia.
Ito ay ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ay makaraang itaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 4 sa Ukraine.
Mananatili anya ang deployment ban hangga’t nagpapatuloy ang kaguluhan.
Idinagdag pa ni Olalia na halos lahat na ng land-based workers ang inilikas habang ang mga natitirang Pinoy ay pawang nakapag-asawa ng mga Ukrainian.