Sinuspinde na ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa bansang Qatar bunsod ng nararanasang diplomatic crisis duon.
Ito’y ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III makaraang putulin na ng mga malalaking Arab States ang kanilang diplomatic ties sa nasabing bansa dahil sa pagsuporta umano nito sa terorismo.
Ayon kay Bello, pansamantalang ititigil na rin ng gubyerno ang pagpo-proseso sa mga dokumento ng mga Pinoy workers na nais magtungo sa Qatar.
Gayunman, nilinaw ng kalihim na walang silang ipatutupad na repatriation sa mga Pinoy na nasa Qatar ngunit patuloy nilang tututukan ang sitwasyon duon sa tulong ng mga opiyal mula sa DFA o Department of Foreign Affairs.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco