Nakadepende sa bilis o tagal ng paghupa ng kaguluhan sa Ukraine ang pag-lift o pagtanggal ng deployment ban doon.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Atty. Bernard Olalia, hangga’t may kaguluhan sa pagitan nito at ng russia ay hindi aalisin ang travel ban sa naturang bansa.
Sa ilalim ng alert level 4 ay sasagutin ng pamahalaan ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pinoy doon.
Samantala, tiniyak naman ng gobyerno ang pagkakaloob ng ayuda at tulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa nasabing bansa. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)