Isang technical working group na ang binuo para tutukan ang isyu ng deployment cap sa Filipino nurses na ipapadala sa ibang bansa.
Sinabi ni Department of Migrant Workers secretary Susan Ople na hindi dapat tanggalin at sa halip ay luwagan pa ang pagpapadala ng Pinoy nurses sa ibayong dagat.
Tiniyak ni Ople na kumikilos na ang gobyerno upang matugunan ang mataas na demand ng health care workers sa ibang bansa.
Kabilang dito aniya ang posibleng pagbibigay ng Scholarship Fund ng DOH na suportado ng ibang bansa na kumukuha ng Pinoy Nurses.