Aminado ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na malayo pa ring maabot ang 7,500 cap na itinakda ng gobyerno sa deployment ng mga healthcare worker.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ang nasabing bilang ay para lamang ngayong taong 2022.
May sapat pa naman anyang supply ng nurse sa bansa pero hindi nagbigay ng eksaktong bilang si Olalia.
Una nang inihayag ni Olalia na mahigit 2,000 nurse na ang na-deploy simula Enero hanggang Mayo.
Kanya ring nilinaw na hindi otomatikong aalisin ang deployment cap kapag inalis na ang state of national emergency sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, inihayag ni Olalia na hindi pa nila inirerekomenda ang pag-alis sa deployment cap na layuning matiyak na may sapat na health care worker ang bansa sa gitna ng pandemya.