Sinuspinde na ng Pilipinas ang beripikasyon ng bagong household service workers patungong Saudi Arabia matapos ang mga pang-aabuso ng isang retiradong heneral sa ilang Pilipino.
Alinsunod ito sa utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Philippine Overseas Labor Offices o (POLO) sa Saudi Arabia na pansamantalang itigil ang pag-proseso sa mga dokumento ng bagong household worker hanggang mailabas ang mga bagong polisiya.
Nakatakda namang maglabas ang Philippine Overseas Employment Administration at POLO ng verification rules upang maiwasan ang mga pang-aabuso gaya ng ginawa ni Retired General Ayed Al Jeaid.
Gayunman, hindi saklaw ng memorandum ang mga manggagawang nag-renew ng kontrata maging ang pagtanggap sa mga skilled worker. —sa panulat ni Drew Nacino