Ibabalik na ng gobyerno simula sa Lunes, November 7 ang deployment ng mga bagong household workers sa Saudi Arabia.
Ito ay matapos tanggalin ng Pilipinas ang deployment suspension sa kasunduang pinag-usapan nila noong Setyembre.
Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, sa ilalim ng kasunduan, dapat may sariling insurance ang mga empleyado sakaling hindi sila pasahurin ng kanilang employer.
Dapat ding magtalaga ng welfare officer ang mga recruitment agency ng Saudi Arabia at Pilipinas para tutukan ang mga reklamo ng mga OFW.
Kailangan ding pumasa sa whitelist ang mga recruitment agency na nais mag-deploy ng manggagawa sa Saudi.
Sa susunod na linggo, nakatakdang dumating ang mga kinatawan ng Saudi Arabia para pag-usapan ang unpaid claims ng mga OFW na pinauwi noong 2016.