Nagsimula na ang deployment ng 500 Filipino hotel workers sa Israel.
Noong Hunyo a-dos, dumating ang unang batch ng mga Pilipino na kinabibilangan ng 61 Filipino hotel workers.
Ide-deploy ang mga ito sa mga hotel sa Tel Aviv, Jerusalem, Nazareth, Caesarea, at Tiberias, maging sa mga resort at spa malapit sa Dead Sea.
Ang deployment ng Pinoy hotel workers sa Israel ay bunga ng bilateral labor agreement na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Israel noong 2018.
Katuwang dito ang Philippine Embassy sa Tel Aviv, Department of Labor and Employment, Israeli government agencies, Israeli tourism at hotel sectors para sa Pinoy Hotel Worker Deployment.
Tiniyak naman sa kasunduan na protektado ang mga Pilipino sa Israel laban sa pang-aabuso.