Handa na ang PNP o Philippine National Police sa ipatutupad na seguridad sa SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 24.
Ayon kay PNP National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde, buo na ang mga task groups at kabisado na ng bawat isa ang magiging papel nila sa Lunes pagdating sa pagpapatupad ng seguridad.
Simula aniya bukas ay magkakaroon na ng skeletal deployment ng mga pulis sa kahabaan ng Commonwealth hanggang sa Batasang Pambansa samantalang full deployment na pagsapit ng madaling araw ng Lunes.
Taliwas sa mga naunang SONA, ang mga pulis ay hindi na hahawak ng anumang kalasag at batuta ang mga pulis na magbabantay sa mga rally dahil mas bibigyang laya nila ngayon ang mga raliyista na makapagpahayag ng kanilang saloobin.
“Patuloy po nating binabantayan yang impormasyon na yan, sa ngayon wala pa naman tayong nakukuhang any information na posibleng maging banta sa peaceful conduct ng SONA at apti yung protesta ng mga militanteng grupo, gayunman patuloy tayong nakaalerto, lalo na ang ating intelligence team.” Ani Albayalde
Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na nakaalerto sila sa anumang posibleng banta sa araw ng SONA ng Pangulo.
Gayunman, sa ngayon aniya ay wala naman silang natanggap na impormasyon na mayroong nagpaplanong guluhin ang SONA ng Pangulo.
“Wala pong container vans, barb wires, tinanggal na rin natin yung mga batuta, baril ng ating mga Kapulisan, at ang kanilang shield at mga body armor ay itinabi na lang muna pero nakahanda sakaling kailanganin, kumpara last year nakalapit pa sila ng atleast 20 meters sa Batasan Complex at meron ding pro-Duterte groups na magra-rally para magpahayag ng suporta sa Pangulo.” Pahayag ni Albayalde
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Deployment ng mga pulis para sa SONA simula na bukas was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882