Target ng Department of Agriculture o DA na matapos ngayong Lunes ang pagkatay sa may 200,000 manok na tinamaan ng bird flu sa ilang poultry farms sa Pampanga.
Sinabi ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan na sisikapin nilang matapos ang culling at depopulation process ngayong araw upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Kaugnay nito, inihayag ng Bureau of Animal Industry na babayaran ang mga nagmamay-ari ng poultry farm ng compensation na P80 kada kinatay na manok.
Una nang idineklara ang state of calamity sa Pampanga kasunod ng bird flu outbreak sa bayan ng San Luis.
By Meann Tanbio