Suportado ng mga Senador ang pagharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa diplomat at human rights activist na si Giacomo Filibeck.
Ito’y makaraang pigilang makapasok sa paliparan ng Mactan sa Cebu si Filibeck nuong linggo dahil isa ito sa mga nasa blacklist ng Immigration Bureau.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, ginagawa lamang ng mga taga-immigration ang kanilang mga trabaho gayundin ang batas na nagbabawal sa mga dayuhan na makilahok sa mga usaping pulitika ng bansa.
Sa panig naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto, dapat sundin ni Filibeck ang mga umiiral na batas ng Pilipinas dahil hindi siya kailanman nakahihigit dito at sa mga Pilipino.