Ipinag-utos ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation kay Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Si Pemberton ang US Serviceman na akusado sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer sa Olongapo City.
Ayon sa BI, isang undesirable alien si Pemberton kaya dapat palayasin sa Pilipinas.
Gayunman, aminado ang BI na kailangan pang humingi ng clearance sa Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 para maipatupad ang kanilang kautusan.
Ibinase sa takbo ng kaso
Ibinase lamang ng Bureau of Immigration (BI) sa takbo ng kaso laban kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang deportation order dito at hindi sa pagsusulong ng alinmang kampo.
Iginiit ito ng Immigration matapos mismong si Pemberton ang umaming sinaktan niya ang Pinoy transgender na si Jennifer Laude.
Sinabi ng Immigration na dapat na itong batayan para ipa-deport ang isang undesirable alien bagamat sa huli ay korte pa rin ang magpapasya sa pagpapabalik sa Amerika ng serviceman.
Pemberton dapat pagsilbihan muna ang hatol ng korte bago ipa-deport—Pamilya Laude
Kailangan munang pagsilbihan ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton ang magiging hatol ng hukuman.
Ito ayon sa pamilya Laude ay bago ipa-deport si Pemberton.
Binigyang diin ng pamilya Laude na kailangang kumpletuhin ni Pemberton ang posibleng pagkakakulong ng 10 taon bago ipatapon pabalik ng Estados Unidos.
Una nang nag-isyu ng deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kay Pemberton.
By Mariboy Ysibido | Judith Larino