Walang katiyakan kung kailan made-deport ang tinaguriang Chinese crime lord na si Wang Bo dahil gusto ni Justice Secretary Leila de Lima na imbestigahan pa ang pagkakasangkot umano nito sa BBL payola.
Sa pagharap kahapon ni de Lima sa pagdinig ng House Committee on Good Government, kanyang sinabi na bagaman may nauna ng desisyon ang Bureau of Immigration na i-deport si Wang Bo, hindi iyon maaaring mangyari dahil may pending estafa case ito.
Isa pa, nais rin ni de Lima na paimbestigahan ang umano’y panunuhol ni Wang Bo ng milyun-milyong salapi sa mga Immigration Officials at sa mga kongresista para naman pumabor ang mga iyon sa BBL.
Kapag, ani de Lima, natapos na ang imbestigasyon kay Wang Bo, saka lamang niya pagpapasyahan kung kailan ito ipade-deport.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)