Pinanindigan ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation order sa Australyanang madre na si Patricia Fox.
Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na ibinasura ng BI-Board of Commissioners (BI-BOC) ang motion for reconsideration na inihain ni Fox.
Gayunman, nilinaw ni Guevarra na hindi pa agad ipa-de-deport ang dayuhan lalo’t maaari pa naman itong umapela sa DOJ o Office of the President.
Maaari rin anyang umabot sa mga korte ang issue kung maghahain ng petisyon si “Sister Pat” sa sandaling hindi umubra ang mga administrative remedy sa executive branch.