Itinakda na sa Disyembre ang deposition o pagbibigay testimonya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso laban sa kanyang mga illegal recruiters.
Ayon kay National Union of People’s Lawyers (NUPL) president Edre Olalia, pansamantalang itinakda sa Disyembre 12 ang deposition ni Veloso sa pamamagitan ng written interogatories sa Indonesia.
Una nang pinayagan ng Korte Suprema na tumestigo ang OFW laban sa isinampa niyang human trafficking case sa kanyang mga recruiter na sina Cristina Sergio at Julius Lacanilao.
Gagamitin ang desposition bilang paraan ng pagbibigay ng testimonya ni Veloso mula sa selda.
Samantala, makapagpapadala rin ang mga abugado nina Sergio at Lacanilao ng kanilang mga tanong para sagutin ng OFW.