Ipinaalala ng DOH o Department of Health na hindi kailanman dapat ipagsawalang bahala ng publiko ang isyu hinggil sa depresyon ng isang tao.
Ito’y makaraang magtrending sa social media ang naging pahayag ng TV host na si Joey de Leon na di umano’y gawa-gawa lamang ng tao ang naturang karamdaman.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, maraming mukha ang depresyon at may palatandaan ang isang tao na nakararanas nito.
Bagama’t tumangging magkomento ang kalihim sa naging pahayag ni De Leon pero binigyang diin nito na fatal o nakamamatay ang pagkakaroon ng depresyon.