Bumuo na ang Department of Agriculture ng “Task Force Nina” para mabigyan ng ayuda ang mga naapektuhan ng bagyong nina sa Camarines Sur at Catanduanes.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na aabot sa dalawampu’t isang libong ektarya ng taniman ang nasira sa Camarines Sur, habang walumpu’t limang porsyento ng abaca industry ang nawasak sa Catanduanes.
Ayon kay Piñol, higit na kailangang mai-rehabilitate ang Camarines Sur dahil na rin sa tindi ng pinsalang tinamo nito mula sa kalamidad.
Gagawa aniya sila ng paraan upang makapamahagi sila ng hybrid rice sa mga magsasaka sa lalong madaling panahon.
By MeAnn Tanbio