Tinatayang aabot sa 62 Bilyong Piso ang kinakailangang pondo ng Department of Agriculture para makamit ang rice self sufficiency bago matapos ang taong 2018
Sa ginawang Farmers Forum sa University of the Philippines Los Baños, ipinaliwanag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na gagamitin ang pondo para maging tulong sa mga magsasaka na tatagal sa loob ng 4 na anihan o 2 taon
Partikular na ipamamahagi sa mga magsasaka ay ang mga binhi para hybrid rice, pataba o fertilizer at crop insurance
Gayunman, sinabi ni Piñol na kinakailangan pa munang magdeposito sa landbank ng sinumang magsasaka na nagnanais makasama sa programa
Dito aniya ihuhulog ang ipamamahaging pondo na katumbas ng ibinigay sa kanila ng pamahalaan
By: Jaymark Dagala