Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Department of Finance kaugnay sa pagkakalusot sa Customs ng isang container van na naglalaman ng tone toneladang shabu.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez mahalagang mabatid kung paano nakalusot ang kontrabando at kung sino ang nagmaniobra para hindi ma detect sa x ray machine ang laman ng naturang container van.
Hihintayin na lamang aniya nilang matapos ang imbestigasyon ng Kongreso bago magsagawa ng parallel investigation upang matukoy kung sino ang dapat managot sa insidente.