Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha ng Department of Migrant Workers o Republic Act No. 11641 na tututok sa mga pangangailangan o concerns ng overseas filipino workers (OFWs).
Ang paglagda sa naturang batas ay itinaon sa paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Inihalintulad ng pangulo ang mga OFW kay Rizal dahil sa kanilang sakripisyo na makatulong sa bayan.
Ang naturang batas ay isa sa mga prayoridad na legislative measures ng administrasyong Duterte.