Isinusulong ni Congresswoman Camille Villar ang pagtatayo ng Department of Migration and Development para maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Nakasaad sa House Bill No. 3313 na ililipat sa bagong kagawaran ang mga ahensyang may kaugnayan sa Overseas Filipino Workers (OFWs) tulad ng OWWA at POEA.
Pabor si Villar na kailangang magkaroon ng isang ahensya sa ilalim ng ehekutibo na tututok sa kapakanan ng mga Pinoy abroad dahil marami pa ring hinaing ang mga OFW pagdating sa suporta ng gobyerno.
Magiging tungkulin at kapangyarihan ng nasabing departamento, ayon kay Villar, ang paghbuo ng mga polisiya para matiyak ang proteksyon sa Pinoy migrants at tugunan ang mga isyung kinakaharap ng mga ito sa ibang bansda.
Ito rin ang magsusulong ng mga aktibidad at programa para sa OFWs at makikipag-ugnayan sa ibang mga bansa para sa maayos na partnership.