Target ng pamahalaan na maging operational na sa Disyembre ang Department of Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, inaasahan nilang papasa sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas hanggang sa Nobyembre.
Sinabi ni Bello na tatanggalin na sa Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang ahensya ng pamahalaan lahat ng tungkuling may kaugnayan sa mga Overseas Filipino Workers.
Ang time frame po niyan ay by November [maipasa na], by December ay operational na po dapat ‘yan,” ani Bello. — sa panayam ng Ratsada Balita.