Nanumpa na kay Cabinet Secretary Leoncio Evasco bilang bagong administrator ng NIA o National Irrigation Administration si Deputy Cabinet Secretary Peter Lavinia.
Ayon kay Lavinia isusulong niya ang free irrigation para mapalakas ang rice self sufficiency gayundin ang paggamit ng hydro power resources para magbigay naman ng kuryente sa mga malalayong lugar.
Bago magsilbing campaign at transition committee spokesperson si Lavinia ay unang nag trabaho bilang special assistant sa Pangulong Rodrigo Duterte nuong Davao City mayor pa ito.
Tumakbo si Lavinia at nanalong konsehal ng Davao City.
Una nang naitalaga ang may bahay ni Lavinia na si Evelyn bilang Undersecretary ng Department of Agriculture.
By: Judith Larino