Sinibak sa pwesto ang Deputy Executive Director ng Manila Bay Coordinating Office na si Jacob Meimban Jr.
Ito’y kaugnay sa overcrowding incident sa dolomite beach nitong nakaraang weekend.
Kasabay nito, humingi ng tawad si Environment Secretary Roy Cimatu kung hindi nabalewala ang physical distancing sa opening ng dolomite beach sa nabanggit na araw.
Ito aniya ang dahilan ng pagkakasibak ni Director Meimban na itinalagang ground commander ng nasabing beach.
Gayuman tiniyak ni Cimatu na hindi na mauulit ang nangyaring insidente.