Muling nanawagan si Deputy Speaker Marlyn “Len” Alonte sa pamahalaan kaugnay sa lokal na produksyon ng COVID-19 vaccines.
Partikular na sinabi ng kongresista ang pagpapabilis ng lokal na produksyon ng bakuna sa Fiscal Incentives Review Board, DTI, at iba’t ibang investement promotion agencies.
Maaari rin aniyang tumulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang kumuha ng vaccine licensing at joint venture production.
Samantala, binigyang diin din niya ang naturang produksyon ng bakuna ay mahalaga para sa publiko, sa seguridad ng ekonomiya at bansa. —sa panulat ni Airiam Sancho