“I’m not replacing him”.
Ito ang nilinaw ni Derek Ramsay kaugnay sa kanyang relasyon kay Ellen Adarna at sa Unico Hijo na si Elias.
Ayon pa kay Derek Ramsay, isang mabuting ama si John Lloyd Cruz sa anak nito at wala itong intensiyon na hindi maganda.
Dagdag ni Derek na masaya ito kahit number two lamang sya sa buhay ni Ellen dahil priority nito ang anak na si Elias.
Bukod dito sinabi rin ng aktor na hands on parents sina Adarna at John Lloyd kaya walang naging problema.
Dahil dito, ikinatuwa ni Derek ang pagkakaroon ng masayang pamilya kasama ang kanyang fiancée at anak kung saan itinuturing na nito si Elias na pangalawang anak.— sa panulat ni Rashid Locsin