Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na bago siya magdesisyon sa kanyang plano sa politika ay kailangan munang makamit ng bansa ang population protection.
Aniya, nakatutok muna siya sa kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng palasyo.
Mababatid na kabilang si Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ng kalihim na bumalik siya bilang tagapagsalita sa gitna ng pandemiya dahil kailangan ng “factual at accurate” na mga impormasyon ng taumbayan sa panahon ng pandemiya.
Nagpasalamat naman si Roque kay PDP-Laban Vice President for Visayas at Eastern Samar Governor Ben Evardone sa kumpiyansang ibinigay sa kanya nito at ng partido. —Hyacinth Ludivico