Naisumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng NAPOLCOM o National Police Commission sa kaso ng tinaguriang mga narco generals.
Ito’y ayon kay PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald Dela Rosa, isang taon matapos na ibunyag ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga aktibo at retiradong heneral ng PNP na umano’y sangkot sa iligal na droga
Ayon kay Dela Rosa, wala na sa kanyang hurisdiksyon ang pagpapasiya sa kapalaran ng mga nasabing narco generals at tanging ang Pangulo lamang ang maaaring dumisiplina dito dahil matataas na mga opisyal ito ng PNP.
Kabilang sa listahan ng umano’y narco generals ay sina Police Director Joel Pagdilao, Chief Superintendent Edgar Tinio, Chief Superintendent Bernardo Diaz kabilang, Retired Deputy Director General Marcelo Garbo at Retired General at ngayo’y daan Bantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal