Bahala na si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na mag-desisyon kung dapat na itong magbitiw sa posisyon.
Pananaw ito ni Senador Francis Escudero matapos magbitiw sa gabinete si Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Escudero, si Roxas ay huhusgahan ng taumbayan sa magiging desisyon nito kung magbibitiw na o hindi pa sa posisyon.
Wala pa namang opisyal na deklarasyon si Roxas na tatakbo sa 2016 Presidential elections subalit nagpahayag na ito ng interes sa pagtakbo at mismong mga kapartido nito ang nagsasabing ang kalihim ang kanilang mamanukin sa 2016.
By Judith Larino | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)