Bukas na malalaman kung ipagpapatuloy pa o ititigil na ang search and rescue operations sa 17 nawawalang indibidwal dahil sa paghagupit ng bagyong Paeng sa Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Provincial Administrator Atty. Cyrus Torreña, isasagawa ang pagpupulong bukas kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Philippine Coast Guard na itigil na ang search and rescue operations at sa halip ay magsagawa na ng retrieval operations na nangangahulugan isasama na sa death toll ang 17 nawawala.